Wooyoung Vs. Junhyung

Wednesday, July 6, 2011







CHAPTER ONE




“Annyong haseyo, gonghang nun odi imnikka?” tanong ni Mihan sa koreyanong kanyang nakasalubong.
“Ddokparo ga-jusaeyo.” sagot naman nito.
“Hay naku! Kung bakit ba naman kasi nagpunta-punta pa tayo dito sa South Korea, p’wede naming sa Singapore nalang, maka-i-english ka pa ng bonggang bongga! Eh, dito…ang hirap kayang mag-hangul ‘no. Pero Mihan, ‘inpeyrnes’ gwapo yong lalaking napagtanungan mo, ha. Hindi ka man lang nag-abalang magtanong kung anong pangalan niya. ” kulit ni Jem, ang ‘napakatahimik’ n’yang bestfriend.
“Bakit ba, kung makapagreklamo ka parang hindi ka nag-enjoy, ah! Eh, kung makatitig ka sa mga koreyanong dumadaan sa harap mo, parang ngayon ka lang nakakita ng tao, ah!” pang-aasar naman n’ya.
“Bakit di mo man lang sinagot yung huli kong tinanong sayo.”
Nang-iinis na humarap ito sa kaibigan, “ Hindi ka naman nagtanong, ba’t ako sasagot?”
“Ay oo nga pala , ‘chu-re’ naman!” palusot n’ya,halatang nainis sa sinabi ng kaibigan.
“Ay ba’t ang oa mo naman yata ngayon? Hindi mo ba nakita yung magiging prince charming mo?!” sabay tawa ng malakas “oks lang ‘yan mag-‘net nalang tayo para makita mo na s’ya muli, hindi naman mawawala sa internet yung mga pics n’ya eh.” Ang tinutukoy ni Jem ay ang ini-idolo ni Mihan na si Lee Donghae.
“Shut up.” Busal naman nito sa kaibigang nang-aasar.
Nagbabakasyon silang dalawa ngayon sa Mokpo, South Korea, dahil ‘yon talaga ang obsession ni Mihan. Simula nang magdalaga silang dalawa, kasabay ng pagsulpot ng mga naglalakihang mga internet cafĂ© nagsimula na rin ang pagkahumaling n’ya sa mga k-pop group. Napakahilig nilang dalawa na manuod ng mga Korean movies, makinig ng mga k-pop hits, at ang mag-save ng picture ng mga paborito nilang mga Korean actors. Pangarap nilang dalawa na makahanap ng prince charming sa Korea. At dahil sa pangarap na ‘yon ay kinabisado na rin nila ang lenggwahe ng Korea at maging ang tamang accent na rin nito.

TAPOS NA ang bakasyon. Nakauwi na sina Mihan at Jem sa Pilipinas. Nagmamadali si Mihan nang araw na ‘yon dahil umpisa na naman ng pasukan. Katulad ng dati, 7:30 na naman ang first period ng klase niya. Sophomore na sila sa eskwelahang pinapasukan nila, pareho silang kumukuha ng kursong Bachelor of Arts in Language Literature.
Siguradong late na naman siya dahil alas syete na siya’ng nagising, hindi naman siya gaanong nag-aalala na mapagalitan ng kanyang magiging guro dahil unang araw palang naman ng klase. Pero, nang makarating sa loob ng silid aralan…
“Ha? Ba’t walang tao?” nagtatakang tanong niya sa sarili.
“Ahm… miss, d’yan ba ngayon ang klase mo?” tanong ng lalaking nasa likuran niya.
“Ah, oo eh. Tapos na yata yung first period.”
“May orientation ngayon para sa mga incoming freshmen. Kailangang daw pumunta lahat ng estudyante doon sa auditorium.”
Humarap siya sa kausap para makita ang hitsura nito. Nang humarap ito, nagulat siya nang makita ang kausap. Hindi s’ya maaaring magkamali, ito ang lalaking napagtanungan niya ng deriksyon nang nasa Korea pa sila at nagbabaakasyon. Napatulala siya.
Hindi s’ya maaaring magkamali, at hindi rin siya makapaniwala nakakapagtagalog ito. ‘yong gwapo, singkit, matangos ang ilong, maganda ngumiti at matangkad na lalaki na sa tantiya niya ay 6’1” ang height, hindi aakalaing marunong magtagalog ito dahil mahahalatang purong koreyano ito.
“Miss!” ikinaway-kaway pa ng lalaki ang kamay nito sa harap ng mukha niya para pabalikin ang atensiyon niya. ”Nakakita ka ba ng multo?”
“Ahm… hi-hindi, nakita ko lang yung prince charming ko!” pagkasabi ng mga katagang iyon ay nagtuloy-tuloy siya ng takbo patungong University Auditorium.
Nanginginig siya nang makarating sa patutunguhan, hingal na hingal ito sa pagod. Agad naman n’yang nakita si Jem, “Oh! Bakit hinabol ka ng kabayo d’yan?” agad na banat ni Jem.
“Halika! Dali may ikukwento ako!” sigaw nito.
“Ngayon ka lang yata naging ganyan ka-hyper?!”
“Dito. Pwede na siguro dito.”
“Oh, ano ba kasi yug ikukwento mo?”
“‘di ba naaalala mo pa yung lalaking pinagtanungan natin sa Korea, ‘yong lalaking sinasabi mong gwapo, ‘yong sinabi mong tanungin ko ‘yon pangalan?!” sunod-sunod na tanong ni Mihan.
“Witesss! Sandali lang! Pwede bang isa-isa lang ang tanong! Kung makapagtanong ka parang wala ng bukas, ha? Oo, naaalala ko pa. Pero saying hindi na natin siya makikita!” malanding tawa ang isununod nya sa mahabang sagot niya.
“Hindi. Makikita pa natin s’ya.”
“Ha?”
“Oo. Makikita pa natin s’ya! Nandito siya school natin!”
“Ha? Paano nangyari ‘yon? Eh, ‘di ba taga-Korea ‘yon?
“Basta. Nakita ko siya kanina…” ikinuwento niya ang mga nangyari sa silid-aralan kanina.
“I HOPE makita pa natin siya.” Hiling ni Mihan na tinutukoy ang lalaking nakausap kanina sa loob ng classroom, nasa canteen na sila, punong-puno na ng mga estudyante at faculty ang lugar na ‘yon ng mga oras na ‘yon. Kung may papasok pang mga tao at manananghalian ay siguradong wala ng pupwestuhan.
Natapos ang pag-iisip nilang dalawa ng may nagsalita sa gilid nila… “ Pwede bang maki-upo? Wala na kasing bakante eh.”
Humarap silang dalawa sa nagsalita at napa-ubo si Mihan ng mga sandaling iyon at natulala naman si Jem.” Ahm, su-sure. Pwede, maluwang pa naman eh.” Sabay ngiti sa kausap. Inilabas kaagad ni Jem ang cellphone niya pasimpleng kinu’nan ng picture ang estranghero. Pero hindi lang pala siya, dahil inilabas din ni Mihan ang cellphone niya, hindi para mag-picture pero upang i-text si Jem dahil masyadong halata si Jem sa kanyang ginagawa nito.
HUI… ANU B! MAXADO KNG HLTA AH! HND MO BA ALAM N NKASINDI UNG HEADLIGHT NG CAMERA NG FONE MO!
Pagkabasa ni Jem sa text ni Mihan ay tinignan niya kaagad ang ligod ng cellphone para tignan kung totoo nga, at nagulat siya dahil totoo nga. “hahaha. Sorry.” Paumanhin niya sa lalaki.
“Ok lang.” sagot naman nito.
WALA NG choice si Lee kundi ang maki-share sa mesang kina-uupuan ng dalawang babae, nang magtanong siya kung p’wedeng makiupo ay sabay na humarap ang dalawa. Nagulat s’ya dahil ang dalawang babaeng ito ay sila ring nagtanong sa kanya ng nasa Korea pa siya, at iyong kinausap niya kaninang umaga. Hindi mapagkakailang maganda ang dalawa.
NABIBINGI na si Mihan sa ingay ng mga katabing estudyanteng kumakain rin, kaya lumikha naring siya ng ingay sa pamamagitan ng pagatatanong sa bagong ‘kaibigan’.
“Pwede bang magtanong?”
“Syempre naman.” Sagot ng lalaki.
“ Ahm…hehehe, kasi… ikaw ba yung nakita namin dati sa Korea?”
“Ah! Naalala mo rin pala, oo ako ‘yon.” Nagagalak na sagot nito.
“Korean ka ‘di ba?”
“Ah oo. Half-Korean half-Filipino ako.”
“Ah kaya naman pala, fluent ka sa hangul.”
“Ah, oo. Ten years kasi kaming tumira sa Korea, tapos lumipat na kami dito. Ahm... kayo, anong ginagawa niyo do’n?”
“Ah, nagbabakasyon lang.”
Naputol ang usapan nila ng mag-ring ang cellphone ng lalaki.
“Ahm. Pasensiya na may klase pa ako eh. Next time nalang ulit tayo magkwentuhan. Annyonghi Kaseyo!”
“Annyonghi Kyeseyo” halos pabulong ang pagbigkas ni Mihan sa salitang ‘yon dahil malayo na ang lalaki. Nang mga sandaling ‘yon tulala pa rin si Jem. Sinabunutan n’ya lang ito kaya nagising. Malamang nag-i-imagine na naman ito ng kung anu-ano, na malamang ay tungkol sa lalaking nakasalo nila kanina lamang.
“Oh, anong nangyari kanina?”
“Ha? Nakatulog ka ta’s akala mo may lalaking nakiupo sa mesa natin ta’s p-in-icture-ran mo pa nga.”
Halatang hindi naniwala ang kaibigan sa sinabi niya.
Napabuntong hininga silang dalawa dahil nang tumingin sila sa orasan ay ala-una na, ibig sabihin tapos na ang lunch break.
“Oh? Ano pang ginagawa mo d’yan? Tayo na may klase pa tayo.”
Tinatamad na tumayo si Mihan. Naglakad na sila patungo ng building kung nasaan ang classroom nila. Pareho silang kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Language Literature.
“JUST PASS YOUR classcard and you may go now.” saad ng professor nila. Pagkabigay ng mga estudyante ng kani-kanilang mga classcard ay isa-isa na ring naglabasan ang mga ito.
Alas cutaro na ng hapon wala na silang klase. Ibig sabihin, tapos na ang nakakabagot na umpisa ng klase.
“Uy, mamaya ka na umuwi, daan ka muna sa bahay.” untag ni Mihan.
“Ha? Bakit naman?”
“Daan ka muna sa bahay, ’nuod muna tayo ng ‘My Daddy’s Daughter’.” tinutukoy ang bagong pelikula ng paborito nilang actor na si Lee Donghae.
“Ano ka ba naman, ba’t ko naman dadaanan ‘yong bahay niyo? Eh, kung gumuho ‘yon. At tsaka ilang beses na ba nating napanuod ‘yon? Eh, halos araw-araw na ha.” Pilosopong sagot nito.
“Walang magawa eh.” sabay ngiti.
“Oh, sige.” Tonong walang gana at hindi interesado.

“MINSAN PA nating panuorin ‘yan sigurado, kabisado na natin ‘yong script n’yan!” pang-aasar ni Jem.
“Eh, sa wala ngang magawa eh.”
“Uy, kaninang tanghali, kasaya ko!” kinikilig na sabi ni Jem
“Hay naku! Alam ko na kung bakit, kasi nakasabay nating ‘yong gwapo, singkit, matangos ang ilong, at ,matangkad na lalaki.” Nakangiting sagot ni Mihan.
“Huh! Asus, pasimple ka pa! alam ko namang nagagwapuhan ka rin naman dun! Na-fell-fall-fallen ka na doon ano!” pang-aasar ni Jem.
“Huh? Hindi ‘no!”
“Ikaw naman kasi! Hindi mo man lang tinanong ‘yong pangala n’ya.”
“Makikita pa naman siguro natin s’ya next time.”
“Naku! Malamang, ta-target-in na naman yung isang ‘yon nila Marga! Alam mo naman ‘yon saksakan ng kalandian sa katawan!” naiinis na saad ni Jem.
“Malamang nga.”
“Oh, panu ‘yan alas sais na. Uwi na ako, ha”
“Sige. Salamat sa pagsama.”
“Ay! Si ‘prenchip’ naman nagdrama na naman!” sabay tawa ng malakas. Oh, sige sige. Tuloy na ako.”
“Oh, sige na nga! Bye.”

Korean actors Ranking

KOREAN ACTOR RANKINGS

#1. JANG WOOYOUNG

1. Won Bin
2. Kang Dong Won
3. Hyun Bin
4. Jo In Sung
5. Gong Yoo
6. Go Soo
7. So Ji Sub
8. Nichkhun (2PM)
9. Song Joong Ki
10. Jung Woo Sung

11. Jang Dong Gun
12. Lee Seung Gi
13. Yoo Seung Ho
14. Kim Hyun Joong
15. Lee Sun Gyun
16. Song Seung Hun
17. Chun Jung Myung
18. Park Hae Il
19. TOP
20. Yoo Ah In

21. Jung Yong Hwa
22. Cha Seung Won
23. Lee Min Ho
24. Kim Nam Gil
25. Kim Bum
26. Rain
27. Lee Jung Jin
28. Park Yoochun
29. Jang Geun Suk
30. Lee Ki Kwang

31. Choi Si Won
32. Kim Jae Wook
33. Lee Byung Hun
34. Ji Hyun Woo
35. Jang Hyuk
36. Yoon Sang Hyun
37. Minho (SHINee)
38. Eric
39. Kwon Sang Woo
40. Cha Tae Hyun

41. Jo Kwon
42. Oh Ji Ho
43. Shin Ha Gyun
44. Yoo Ji Tae
45. Jung Jun Ho
46. Bae Yong Joon
47. Lee Jun Ki
48. Cha In Pyo
49. Kim Hee Chul
50. Choi Min Soo

Jang Wooyoung